Manila, Philippines – Pinapirihan ni Environment and Natural Resources
Secretary Roy Cimatu ang pinagsanib na pwersa National Bureau of
Investigation (NBI) at Philippine Operation’s Group of Ivory and Illegal
Wildlife Trade ng DENR sa pagkaka-rescue nito sa 300 smuggled wildlife
noong nakaraang linggo.
Ayon kay Cimatu, ang operasyong ito ay isa sa pinaka malaking wildlife bust
na naisagawa ng pamahalaan.
Dagdag pa ng kalihim, magsisilbing babala ang operasyong ito sa sino mang
magtatangka pang gumawa ng mga iligal na transaksyon dito sa bansa na
kasasangkutan ng mga wild animals.
Samantala, naiturn over naman na sa Wildlife Resources Center sa Quezon
City, ang mga na-rescue, habang nakasuhan na ng kasong paglabag sa Republic
Act 9147 ang mga smugglers.