Tunay na kahulugan ng sakripisyo at pagkakaisa sa gitna ng mga hamon, mensahe ni PBBM ngayong Eid’l Adha

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Muslim community sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Sa kaniyang opisyal na mensahe, panawagan ng Pangulo na muling pag-isipan kung ano ang tunay na nagpapalakas sa isang bansa.

Hindi aniya sukatan ang dami ng naibibigay na lakas ng isang bansa, kundi sa mga pagpapahalagang ipinakikita ng mamamayan tulad ng dangal sa halip na pagwawalang-bahala, katarungan sa halip na kapabayaan, at habag sa halip ng kawalang-interes.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang araw na ito ay paalala sa tunay na debosyon sa kabila ng mga bagong hamon.

Hinimok din ng Pangulo ang lahat ng Pilipino, anuman ang kanilang relihiyon, na tanggapin ang hamon ng panahon at gawing inspirasyon ang diwa ng sakripisyo na ipinagdiriwang sa Eid’l Adha.

Facebook Comments