TUNE-UP GAME | Team Pilipinas, talo kontra Lebanon

Quezon City – Tinalo ng Lebanon ang Team Pilipinas sa kanilang tune-up game kagabi na ginanap sa Epsilon Chi Center sa UP Diliman sa Quezon City.

Umabot pa sa 18 puntos ang hinabol ng national team pero kinapos sila kaya at natapos ang laban sa score na 74-68 pabor sa Lebanon.

Ito na ang pangalawang talo ng Gilas sa tatlong laban friendly games nila.


Nanguna para sa Team Pilipinas si japeth Aguilar na may 16-points habang mayroong 11-points si Marcio Lassiter at 9-points naman si June Mar Fajardo.

Muling maghaharap ang dalawang koponan bukas, araw ng Linggo.

Facebook Comments