IIMBESTIGAHAN | Upsilon Sigma Phi fraternity, iniimbestigahan ang pag-leak ng kanilang group chat

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Upsilon Sigma Phi fraternity sa isyu ng nag-leak nilang group chat.

Sa opisyal na pahayag ng Upsilon, nangako silang makikipagtulungan sa Unibersidad ng Pilipinas kaugnay ng insidente.

Mariing kinokondena ng grupo ang pangyayari at hindi nila kukunsintehin ang mga miyembro nilang dawit dito.


Tingin ng grupo na bahagi ito ng paninira sa kanila kasunod ng kanilang centennial celebration.

Umapela rin sila sa publiko na maging mahinahon habang isinagawa ang imbestigasyon.

Facebook Comments