TULOY | Retrieval operation sa Natonin landslide, ipagpapatuloy pa rin!

Inihayag ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na ipagpapatuloy pa rin ang retrieval operation sa natabunang gusali sa Ha’rang, Banawel, Natonin, Mountain Province.

Ayon sa PDRRMO, ang full-blast na search, rescue and retrieval operations sa lugar ang naitigil pero mayroon pa ring mga maiiwang volunteers at mga kamag-anak ng anim na kataong pinaghahanap para maipagpatuloy ang operasyon.

Gayunman, maipagpapatuloy lamang ang retrieval operations bukas, araw ng Linggo dahil sa pagdeklara ng “Day of Mourning” o araw ng pagluluksa sa buong bayan ng Natonin.


Matatandaan na aabot sa mahigit 20 katao ang narekober na bangkay mula sa natabunang gusali.

Facebook Comments