Sa mensahe ni Regional Director Atty. Manuel Pontanal ng NAPOLCOM Region 2 bilang panauhing pandangal, sinabi nito na layunin ng CSOP na patatagin ang magandang ugnayan at relasyon ng mga pulis sa komunidad ganun din sa mga namumuno sa isang lugar.
Dapat aniya na pangunahan ng alkalde ang pakikipag-ugnayan sa kanyang nasasakupang barangay para makita ang mga kinakaharap na problema ganun din sa hanay ng kapulisan.
Ipinunto nito ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat isa at pagtutulungan para makamit ang minimithing maayos at payapang lugar.
Sinabi pa ni Pontanal na malaki ang ambag ng mga barangay Officials sa pag-iwas ng krimen ganun din sa pagtugon sa problema ng mga residente kaya importante aniya na naroon pa rin ang komunikasyon ng Barangay at PNP.
Para naman sa mga Punong Barangay, pinaalalahanan sila ni Pontanal na kailangang planado at mabantayan ang mga ipinapagawang proyekto at magkaroon din ng assessment para rito.
Sa huli, hiniling ng opisyal ang suporta ng bawat Punong Barangay gaya na lamang ng pagsumbong ng mga totoong impormasyon sa kapulisan ganun din ang LGU Cauayan para sa mas payapa at mas maunlad na Siyudad ng Cauayan.