CHILD MINDING CENTER, BINUKSAN SA LUNGSOD NG CAUAYAN

48
Binuksan na sa publiko ang kauna-unahang Child Minding Center sa Lungsod ng Cauayan na nakabase sa Barangay Cabaruan.

Pinangunahan ni City Mayor Caesar Jaycee Dy Jr kasama ang mga Sangguniang Panlungsod Member ang ribbon-cutting at pormal na pagbubukas nito.

Katuwang rito si Barangay Captain Benjie Dy ng Cabaruan na nanguna sa pagpapatayo ng establisyimento para maisulong ang kapakanan at karapatan ng mga bata.

Magsisilbi na itong playground o libangan ng mga bata tulad na lamang ng mga paslit at pre-schoolers.

Bukod dito, maaari ring iwan sa itatalagang venue ang mga bata habang nasa trabaho pa ang mga magulang.

Sa pamamagitan nito, matutulungan din ang mga empleyadong magulang na nagtatrabaho sa pampubliko o pribado mang tanggapan na makapag focus sa kanilang trabaho.



Malinis, ligtas at air-conditioned ang nasabing establisyimento kung saan bukas ito mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Facebook Comments