PNP OPLAN DISIPLINA, PINAIIGTING NG IPPO

64
Isinagawa ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang Daily Personnel Accounting Report (DPAR) and Inspection nitong Miyerkules, September 28, 2022 sa Admin Building, Camp Lt Rosauro Toda Jr, Brgy. Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ni PLtCol George Cablarda, Deputy Provincial Director for Administration ang nabanggit na aktibidad.

Kaugnay ito ng programa ng kapulisan na PNP Oplan “Disiplina” Provincial Accounting of PNP Personnel.

Maliban sa inspeksyon ay pinangunahan rin ni PLtCol Cablarda ang Police Information and Continuing Education (PICE) ukol sa pangunahing mandato mula sa Chief PNP na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) katuwang ang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan).

Layunin nito na patuloy na ipaalala sa kapulisan ang mga mandatong kanilang tinatanggap at isabuhay ang disiplina sa pagbibigay serbisyo publiko.

Facebook Comments