Manila, Philippines – Imbes na mag-tone down sa pagbibigay ng impormasyon sa mga kaso ng pagpatay, pinayuhan ngayon ni UN special rapporteur on extra-judicial executions Agnes Callamard si Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo na idulog sa gobyerno ng Pilipinas at PNP ang isyu ng extra judicial killings.
Reaksyon ito ni Callamard sa pahayag ni Teo na nakakapinsala sa turismo ang naging pagbubunyag ni Vice President Leni Robredo sa UN at media reports ukol sa mga patayan sa bansa.
Giit kasi ni Teo, nahihirapan siyang ibenta ang turismo ng Pilipinas kapag nauungkat ang EJK.
Pero para kay Callamard, mas mahalaga aniya ang buhay ng tao kaysa turismo kaya sana ay mawala na ang pinag-uugatan ng mga walang pakundangang pagpatay.
Ang UN official ay ilang ulit na ring nagbitaw ng mga pagpuna laban kay Duterte dahil pa rin sa isyu ng mga pagpaslang na nangyayari sa ating bansa.
Facebook Comments