Unang nanalo sa “Bisekletrabaho” sa 3rd anniversary ng DZXL 558 Radyo Trabaho, tubong Tondo!

Buena manong winner sa ating “Bisekletrabaho Year 3 Promo: Anibersaryong Handog ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho” ang 31–anyos na si Cristina Caridad ng Balut, Tondo, Maynila.

Si Cristina ay kabilang sa mga sumali sa promo sa pamamagitan ng pagtawag sa programang Centro Serbisyo ng RMN-DZXL 558.

Kwento ni Cristina, plano niyang iregalo ang napanalunang bisikleta sa kanyang mitser na isang construction worker, na araw-araw nag-uuwian mula sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Makati.


Kasabay ng pasasalamat ay nagpaabot din ng pagbati si Cristina sa padiriwang ng ika-69 na anibersayo ng Radio Mindanao Networks at ikatlong taong anibersaryo ng RMN DZXL 558 Radyo Trabao.

Manatiling nakatutok dahil mamayang alas-10:15, dito sa programang “Meet the Boss” ay sunod nating kikilalanin ang online winner sa ating “Bisekletrabaho Year 3 Promo: Anibersaryong Handog ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho”.

Facebook Comments