Sumampa sa 8.7 percent ang naitalang unemployment rate sa Pilipinas para sa buwan ng Abril ngayong taon.
Ito ang lumabas sa datos mula sa Philippine Statistics Authority kung saan katumbas nito ang 4.14 million ngayong Pilipino na walang trabaho sa gitna ng COVID-19 crisis.
Samantala, umakyat naman sa 17.2 percent ang underemployment rate o 7.45 million na indibidwal na mas mataas kumpara sa naitalang 16.2 percent nitong nakalipas na Marso.
Matatandaang sa kaparehong panahon ipinatupad ng gobyerno ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR bubble dahil sa pagtaas ng kaso noon ng COVID-19.
Samantala, naniniwala naman ang ilang ekonomista ng Asian Development Bank na posibleng manatiling mataas ang unemployment sa bansa dahil sa epekto ng pandemya sa ating ekonomiya.