Tiniyak ng Deparment of Environment and Natural Resources -Environmental Management Bureau Region 1 (DENR-EMB) ang hindi naantalang serbisyo publiko sa kabila ng ipinatupad na flexible work arrangement sa mga personnel.
Nakasaad sa administratibong kautusan na nilagdaan noon pang 2025, na magsisimulang ipatupad ang pagbabago sa work arrangement simula sa pagbabalik trabaho noong Enero 5.
Sa ilalim nito, mananatiling 8AM-5PM ang oras ng trabaho na patatakbuhin on-site o sa mismong opisina mula Lunes hanggang Biyernes habang work-from-home schedule naman tuwing Biyernes, sa parehong oras.
Abiso ng tanggapan, asahan pa rin ang maagap na pagseserbisyo online sa anumang pangangailangan tulad sa mga opisina ng Clearance and Permitting Division, Environmental Monitoring and Enforcement Division, Office of the Regional Director at iba pa.
Maaring ipadala ang anumang katanungan o transaksyon sa bawat e-mail address ng bawat opisina.
Magtatagal ang ganitong work arrangement ng tanggapan hanggang Enero 30,2026.










