Unity Walk at Prayer Rally, isinagawa ng COMELEC at PNP sa ILocos Norte

iFM LaoagNagsagawa ng Unity Walk at Prayer rally ang Ilocos Norte Police Provincial Office kasama ang COMELEC, Religious Sectors, at mga Non-Government Organizations sa lalawigan.
Ayun kay Police Colonel Julius Suriben, isa ito sa mga hakbang at hangarin ng kapulisan upang maipalaganap ang kapayapaan at walang karahasan na mangyayari sa isasagawang National and Local Elections sa bansa ngayong Mayo.
Laking pasasalamat naman ng Police Provincial Director na walang election related crime sa ngayon ang Ilocos Norte at hangad nito’y magpatuloy hanggang matapos ang halalan.

Pagkatapos ng Unity Walk isinunod naman ng COMELEC at PNP ang Operation Baklas sa Probinsiya sa mga tarpaulins o election paraphernalia sa buong probinsiya, at nakapaghakot ito ng mga labag sa batas.
Ayun kay COMELEC Provincial Director Atty. Joel Gines II, karamihan sa mga natanggal ay ang mga naglabag sa sukat at lugar nang pinaglagyan ng mga campaign materials gaya na lamang ng puno, poste ng kuryente at pampublikong lugar.
Maayos naman ang daloy sa inisagawang Oplan Baklas kasama ang PNP, COMELEC, DPWH, at iba pang ahensiya ng gobyerno. | via Bernard Ver, RMN-iFM Laoag
Facebook Comments