Universal Health Care, ganap nang batas!

Manila, Philippines – Kinumpirma na mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinirmahan na niya bilang batas ang Universal Health Care Bill.

Sa ilalim ng batas, magiging otomatikong miyembro ng bubuuing National Health Insurance Program ang lahat ng mga Pinoy bilang mga direct contributor o indirect contributor.

Ang mga direct contributor ay ang mga nagbabayad ng regular na health premiums habang ang indirect contributor ay ang mga senior citizens o indigents.


Dito, palalawakin pa ang saklaw ng PhilHealth gaya ng libreng konsultasyon at laboratory tests.

Ayon sa Pangulo, sa tulong nito, mabibigyan ng dekalidad at abot-kayang health care services ang mga Pilipino.

Sabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi agad-agad mararamdaman ang bisa ng batas sapagkat may 180 araw pa sila para balangkasin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Aniya, kailangan rin nilang patitibayin ang supply ng mga health worker at pasilidad sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments