UP at UST – pinayagan maglaro ang mga foreign player nila sa Season 80 ng UAAP

UAAP – Hindi pa man nagsisimula ang Season 80 ng UAAP pero nakaiskor na ang University of the Philippines (UP) at University of Santo Tomas (UST).

Sa desisyon kasi na inilabas ng Board of Trustees (BOT) ng liga, pinayagan nila na makapaglaro ang mga bagong player na sina Ibrahim Quattara ng UP Fighting Maroons at Steve Akomo ng UST Growling Tigers.

Nauna kasing idineklara ng Eligibility Committed ng UAAP na hindi puwedeng maglaro si Quattara at Akomo dahil sa residency requirement ng dalawa.


Pero binaliktad ng BOT ang nasabing desisyon matapos ang meeting ng mga Presidente ng walong miyembrong unibersidad kahapon.

Maghaharap ang Fighting Maroons at Growling Tigers alas dos ng hapon sa Linggo, Setyembre 10 sa Mall of Asia Arena.

Facebook Comments