
Agad na naglabasan ang mga estudyante, faculty, mga empleyado at ibang tauhan mula sa University of the Philippines (UP) Manila.
Ito’y makaraang makatanggap umano sila ng bomb threat kung saan mabilis na pinalabas ang lahat ng nasa loob ng unibersidad.
Agad din rumesponde ang mga awtoridad para inspeksyunin ang loob at labas ng UP Manila.
Hindi pa naman masabi ng pamunuan kung sa paanong paraan nila natanggap ang nasabing banta
Gayunman, nangako sila na maglalabas ng opisyal na pahayag hinggil sa nasabing isyu habang pansamantalang inilipat sa Paco Park ang mga estudyante para sa kanilang kaligtasan.
Facebook Comments









