UPDATE | Traffic enforcer na nakaladkad ng taxi sa Davao City, nasa maayos ng kalagayan

38

Davao City – Nasa mabuti ng kalagayan ang traffic enforcer na nakaladkad ng isang taxi sa Davao City.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang enforcer na si Julius Raquel, 40-anyos.

Depensa naman ng taxi driver na si Dario Liton Simborio, hindi niya sinadya at hindi niya alam na kumapit sa sasakyan niya ang nasabing enforcer.

Napag-alaman na kilalang istrikto sa pagpatupad ng batas trapiko sa lungsod si Raquel.

Nahaharap sa kasong direct assault ang naturang taxi driver.

Facebook Comments