US nilinaw na hindi nakikipag-unahan sa paggawa ng COVID-19 vaccine; Brazil state, lumagda ng kasunduan para sa pagpo-produce ng Sputnik V

161

Nilinaw ng Estados Unidos hindi ito nakikipag-unahan sa paggawa ng bakuna laban sa COVID-19.


Kasunod ito ng pagdududa ng U.S. sa bakuna ng Russia dahil sa hindi nito pagiging transparent sa impormasyon tungkol sa Sputnik V.

Ayon kay United States Secretary of Health and Human Services Alex Azar, mahalaga na masigurong ligtas at epektibo ang bakuna.

Samantala, lumagda na ang Brazilian State of Parana ng kasunduan sa Russia para subukan ang COVID-19 vaccine nito.

Kapag napatunayang ligtas at epektibo, posibleng simulan nila ang produksyon nito sa kalagitnaan ng 2021.

Facebook Comments