Usapin ng New Variant ng COVID-19 sa isang bayan ng Isabela, Hihintayin pa ang kumpirmasyon ng Health Authorities

Cauayan City, Isabela- Pansamantalang isasara ang mga business establishments sa bayan ng Roxas, Isabela simula ngayong araw (March 22) hanggang Sabado, March 27 dahil sa dumaraming kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos ipag-utos ni Mayor Jonathan Jose Calderon sa bisa ng Executive Order no 3.

Nakasaad sa kautusan ang pagsasara simula ala-una (1:00 P.M) ng hapon at magsisimula na lamang buksan kinabukasan ng alas-4:00 ng madaling araw.


Habang ang mga restaurants, fast-food establishments ay mananatiling nakabukas sa kanilang regular operations hour ngunit take-out at delivery services lang ang maaari pero subject pa rin sa umiiral na curfew hours mula alas-8:00 ng gabi hanggang ala-4:00 ng umaga.

Kaugnay nito, umiiral pa rin kasi ang General Community Quarantine (GCQ) sa bayan dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Samantala, sinabi ni Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag na wala pang kumpirmasyon ang health authorities hinggil sa usap-usapan na posibleng mayroon ng bagong variant ng COVID-19 sa bayan ng Roxas dahil sa infectation rate o mabilis na pagkalat ng mga tinatamaan ng virus.

Sa ngayon ay nasa 107 na ang aktibong kaso ng virus sa naturang bayan.

Facebook Comments