Usaping mabilis na pagkadismiss ng mga kaso ng droga sa lungsod tinalakay sa CPOC Meeting

*Matagumpay na isinagawa kahapon ang City Peace and Order Council meeting kahapon na dinaluhan ni mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi,6th ID Division Commander Maj.Gen.Arnel Dela Vega, PRO-12 Director P/C Supt.Morales,mga City councilors,barangay chairmans, department heads, business group at iba pang law enforcement unit.*
*Nagbigay ng kanilang mga update ng security situation ang city PNP, Joint Task Force Cotabato, PDEA-ARMM at iba pa…*
*Ang nangyaring pamamaril noong araw ng biyernes ang isa sa naging dahilan kung kayat ipinatawag ang CPOC meeting, ngunit sinabi ni Mayor Cynthia na maituturing na isolated ang naturang kaso dahil umano ito maituturing na by chance shooting ayon sa kapulisan.*
*Inihayag pa ni mayor Cynthia na ang siyudad ay nasa ligtas at peaceful parin sitwasyon at pinapalakas pa ng kapulisan at army ang kanilang pagbabantay sa apat na sulok na siyudad.*

Facebook Comments