Friday, February 13, 2026

Usec. Claire Castro, may valentine message kay VP Sara

Pumalag si Palace Press Officer Claire Castro laban kay Vice President Sara Duterte matapos ang umano’y malisyosong komento nito laban sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi kasi ni VP Sara sa isang panayam na sana ay magkatuluyan ang pangulo at si Castro.

Giit ni Castro, hindi karapat-dapat hangaan ang isang lider na gumagamit ng paninira at paratang sa publiko.

Ang pangulo rin aniya ay isang mapagmahal na asawa at mabuting ama, kaya’t hindi umano makatarungan na batuhan ito ng mga pahayag na may bahid ng imoralidad.

Sa huli, nagbigay rin ng mensahe si Castro para kay VP Sara ngayong Valentines Day.

Facebook Comments