Utang ng Pilipinas nitong Setyembre, lumobo pa sa ₱13.52 trillion – BTr

Lumobo pa sa ₱13.52 trillion ang utang ng Pilipinas nitong Setyembre.

Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), tumaas ito ng P495.54 billion o 3.8 percent.

Dahilan ng pagtaas ng utang ng bansa ay ang paghina ng piso kontra dolyar at sa paglalabas ng government securities para masuportahan ang budget.


Sa halagang ito, 31.2 % ay inutang mula sa labas ng bansa habang ang 68.8% ay domestic barrowing.

Nasa P9.30 trillion naman ang naitala ng BTr sa domestic jet, na mas mataas ng P357.27 billion o 4% kumpara noong Agosto.

Ang external debt naman o utang panlabas ng bansa ay umabot na sa P4.22 trillion, na mas mataas ng P138.27 o 3.4% noong Agosto, dahil sa P179.69 billion na epekto ng paghina ng piso kontra dolyar.

Facebook Comments