Binatikos ni ACT Teachers Representative France Castro ang resolusyon ng Professional Regulation Commission (PRC) na umano’y pumipigil sa mga guro na ma-renew ang kanilang professional license kapag sila ay na-tag na hindi nakakabayad ng utang.
Sa budget hearing sa Kamara ay inusisa ni Castro kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma kung epektibo pa ang nabanggit na resolusyon ng PRC na attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Hindi pamilyar si Laguesma sa naturang resolusyon ng PRC pero para sa kanya ito ay mali dahil lalong napagkakaitang makabayad ang mga guro na may utang.
Nilinaw naman ng PRC na mata-tag lamang ang isang guro kung pinadalhan ito ng summon dahil sa reklamong hindi pagbabayad ng utang na ayon kay Castro ay mali at ilegal.
Nangako naman si Laguesma at ang PRC na kanilang rerepasuhin ang naturang resolusyon.