VACC, tiwalang maraming kongresista ang mag-eendorso ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Sereno

Manila, Philippines – Tiwala si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez na maraming kongresista ang mag-eendorso ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa interview ng RMN Manila Kay Jimenez, hindi pa rin siya makapagbigay ng mga kongresista na endorser ng kanilang impeachment complaint.
Sinabi muli nito na abangan na lang kung sinong mambabatas ang magdadala ng kanilang reklamo kay Sereno.
Dagdag pa ng Chairman, sigurado ng authenticated ang mga hawak nilang documents mula sa Supreme Court.
Matatanddang nag-ugat ang reklamo kay Sereno dahil sa umano’y Betrayal of Public Trust at Culpable Violation of the Supreme Court.
Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na naghain ng impeachment complaint ang VACC sa isang Chief Justice.

Facebook Comments