Vaccination coverage sa bansa, nahigitan pa ang ilang malalaking siyudad sa Estados Unidos at UK

Ipinagmalaki ng National Task Force (NTF) against COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Duterte ang anila’y milestone na naabot ng pamahalaan sa usapin ng pagbabakuna.

Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon, daig pa nga ng ilang mga siyudad dito sa bansa ang ilang mga malalaking siyudad sa Amerika tulad ng Los Angeles, New York at pati na rin ang London sa United Kingdom.

Inihalimbawa ni Dizon ang Cebu na nasa 87.45 % na ang mga nabigyan ng bakuna, 85.38% sa Davao City at kung pag-uusapan ay regional level, sobra na sa 100% ang naitala sa National Capital Region.


Nangangahulugan lamang ito na epektibo ang ginagawang hakbang ng Local Government Unit (LGUs), national government gayundin ng mga nasa pribadong sektor.

Samantala, umaasa naman si Dizon na tataas pa ang bilang ng mga magpapa-booster shot.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), sa higit 69 milyon mga Filipino na fully vaccinated, nasa 13-M lamang ang nakatanggap na ng booster shot.

Facebook Comments