Pamunuan ng Manila North Cemetery, naghahanda na para sa libing ng aktres na si Susan Roces

186

Todo paghahanda na ang ginagawa ng Manila North Cemetery para sa araw ng paglibing ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces o Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe sa totong buhay.

Sa impormasyon mula kay Manila North Cemetery Director Roselle Castañeda, nakipag-ugnayan na sila sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Police District (MPD).

Ito’y para maging maayos ang daloy ng trapiko at seguridad lalo na’t posibleng dumagsa ang ilang tagahanga ng beteranang aktres para masaksihan ang libing nito.


 

 

Pero inihayag ni Castañeda na hanggang sa ngayon ay hindi pa nila alam kung anong eksaktong oras ng libing ng aktres kaya’t patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa pamilya nito.

Bukod dito, naghihintay rin sila ng abiso mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila para malaman ang iba pang detalye ng libing ni Susan Roces.

Sakali namang itakda ang libing ng umaga ni Susan Roces, ipa-prayoridad muna ito ng pamunuan ng Manila North Cemetery kung saan ang mga nakatakdang libing na kasabay nito ay ililipat na muna sa hapon.



Facebook Comments