Manila, Philippines – Nais na ring palawigin ng Mababang Kapulungan ang validity ng ID na iniisyu sa ilalim ng Professional Regulation Commission O PRC.
Sa ilalim ng House Bill 5870 ni UNA Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr, gagawing limang taon na ang validity ng prc id mula sa kasalukuyang tatlong taon lamang.
Paliwanag ni Belaro, masyadong maikli ang tatlong taon para sa pag-iral ng lisensiya para sa practice ng mga propesyon at para sa professional development.
Dagdag pa nito, hindi na bago ang pagpapalawig ng professional license dahil sa ngayon ay umiiral na ang limang taon sa Maritime Professional’s Compliance sa Standards of Certification and Watch Keeping.
Mababatid na una ng pinalawig ng Kongreso ang validity ng driver’s license sa limang taon habang hanggang sampung taong validity naman ang pasaporte.
DZXL558, Conde Batac