Vice Mayor Paolo Duterte, bastos umano katulad ng kanyang ama – ayon kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV na hindi napalaki ng maayos si Vice Mayor Paolo Duterte.

Pahayag ito ni Trillanes matapos syang sabihan ni Vice Mayor Paolo sa Facebook post nito na ugok, nakalimot uminom ng gamot sa utak at nakahanap na ng supply ng coca.

Pero resbak ni Trillanes, hindi na niya papatulan ang mga tirada sa kanya ni Vice Mayor Duterte dahil hindi na nakakagulat ang bastos nitong mensahe dahil bastos din naman ang ama nito na si Pangulong Rodrigo Duterte.


“Alam nyo ‘yung medyo kabastusan o yung tema ng kanyang mensahe, hindi ko na papatulan yan pero it reflects, na ito ay hindi pinalaki ng maayos ng kanyang magulang. Ang hindi rin ako nagugulat kasi kung bastos yun tatay, malamang bastos din yung anak,” ito ang pahayag ni Trillanes.

Sabi pa ni Trillanes, may malalim na anggulo syang tinitingnan kaugnay sa umano’y kaugnayan ni Vice Mayor Paolo sa 6.4 billion pesos na shabu galing sa China na nakalusot sa Bureau of Customs.

Ayon kay Trillanes, dapat paghandaan ni Vice Mayor Duterte kung paano haharapin ang nasabing kontrobersya.

Umaasa si Trillanes na darating din ang oportunidad na papaharapin si Vice Mayor Paolo sa pagdinig ng Senado.

Facebook Comments