VIRAL | Momoland nakipag-meet and greet kay Manny Pacquiao

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media ang ginawang meet and greet ng Korean all girl group na Momoland kay Manny Pacquiao sa bahay nito sa Forbes Park.

Nabatid kasi na kaniya-kaniyang memes ngayon ang mga netizens kung saan marami ang naiingiit kay Pacquiao habang ang iba naman ay ginawang biro ang close-in picture ng grupo sa Pambansang Kamao

Kahapon pa dumating ang nasabing grupo at talaga naman na-shock sila sa mga fans na nag-aantay sa labas lalo na at ang iba sa mga ito ay nagkagulo para lamang makakuha ng kahit konting shots sa kanila.


Agad naman sila nag-post ang Momoland ng pagkabahala sa kanilang social media dahil nabalitaan nila na marami ang nasugatan sa insidente.

Magpe-perform ang K-pop girl group mamayang gabi sa exclusive at private event sa Solaire Casino pero may tsansa naman daw ang mga fans na mapanood ito sa facebook live.

Matatandaan na sumikat ang grupo sa kanilang kantang “Bboom Bboom at “Baam.”

Facebook Comments