VIRAL: OFW sa Saudi na ‘ikinulong’ ng amo, nagpapasaklolo

Nag-viral sa social media ang video ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nagaabot ng tubig at tulong sa kapwa OFW na sinasabing kinulong ng amo sa loob ng bahay sa Riyadh, Saudi Arabia.

Mapapanood na palihim na binigyan ng concerned citizen ng inumin ang kababayang nakadungaw sa bintana.

Mahina rin ang boses ng dalawa para umano walang makahuli sa kanila.


Ayon sa domestic helper, ikinulong umano siya sa pinagtratrabahuang tirahan at hindi pinapakain ng maayos.

Dagdag pa ng nagpapasaklolong OFW, wala pa siyang natatanggap na sahod mula ng manilbihan sa banyagang amo.

Sa isa pang video, sinasabi ng uploader na hihingi siya ng tulong para mailigtas ang kaawa-awang Pinay.

Umaasa naman ang netizens na makarating sa kinauukulan ang nagaganap daw na pangmamaltrato.

Umabot na sa 200,000 views at 3,000 shares sa Facebook ang video ng OFW.

Facebook Comments