Viral ‘ukelele boy’, nagtatanghal na sa Cebu City museum

Screenshot via Kirk CM Video on Youtube

Hindi na sa lansangan nagtatanghal si Chan Jonile Cabradilla, noon na nag-viral bilang ‘ukelele boy’, kundi sa Cebu City museum.

Ayon sa kaniyang ina na si Lorjie Cabradilla, 37 taong gulang, maraming pinagdaanan si Jonile bago pa man siya mag-viral.

Sa isang post noon ni TJ Celemente, kinuhanan niya ng video si Jonile na nagtatanghal gamit ang ukelele na agad na kinuha ang puso ng mga netizen.


Nag-viral siya muli nang nagtanghal siya sa ASAP, isang musical variety show ng ABS-CBN, kasama sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

Nang mag-viral, nagtatanghal na siya ngayon sa Yap-Sandiego Ancestral House kada Sabado at Linggo, simula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng gabi.

Si Jonile ay pangalawa sa anim na magkakapatid at ang kaniyang ama ay isang tricycle driver habang ang ina ay naglalaba para pagkakitaan.

Panoorin ang nag-viral na video noon ni Jonile:

https://www.youtube.com/watch?v=YhgvFOX8thY

Facebook Comments