Visayas Grid, isasailalim sa Red Alert status mamayang gabi

Itinaas na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Red Alert status ang Visayas Grid mamayang gabi dahil sa mas mataas na inaasahang demand sa kuryente.

Batay sa abiso ng NGCP, ipatutupad ang Red Alert status sa Visayas Grid simula alas-6 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Nasa 13 na mga power plant ang kasalukuyang naka-forced outage, habang siyam na iba pa ang tumatakbo sa mas mababang kapasidad.


Ito ay katumbas ng 696.7 megawatts (MW) na hindi magagamit na supply.

Hinihikayat naman ang mga residente ng Visayas na magtipid sa kuryente upang makatulong na maibsan ang demand at maiwasan ang mga rotational brownout.

Ang Red Alert status ay idinedeklara kapag hindi sapat ang suplay ng kuryente para matugunan ang pangangailangan ng mga konsumer, gayundin ang regulating requirement ng transmission grid.

Facebook Comments