Volunteers Team sa Santiago City, Nagsagawa ng Disinfection sa Lugar ng Nagpositibo sa COVID-19!

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy ngayon ang disinfection ng mga volunteers sa paligid ng bahay ng isang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Brgy. Mabini, Santiago City.

Ayon kay Kag. Joseph Cortez, kinakailangan aniya na makasiguro na ligtas hindi lamang ang pamilya ng isang health worker na nagpositibo sa COVID-19 kundi ang buong komunidad at para hindi na rin makahawa ito sa iba pang tao.

Naglatag na rin ng tatlong checkpoints malapit sa lugar kung saan nagpositibo ang health worker at dinoble rin ang paghihigpit sa lahat ng entry at exit point sa naturang barangay.


Tiniyak naman ni Cortez ang kahandaan ng mga opisyal sa pagtugon sa iba pang suliranin sa kanilang nasasakupan lalo pa’t banta sa bawat isa ang krisis na kinaharap ng bansa.

Samantala, hinihikayat naman nito ang iba pang indibidwal na nagnanais mag-ambag sa kanilang proyekto upang magpatuloy ang pagtulong sa mga residente maging sa mga frontliners.

Facebook Comments