Nagtalaga na ng lugar at petsa ang COMELEC Mangaldan para sa offsite voter’s registration simula kahapon, Enero 7 na magtatapos sa Enero 9.
Pinadali umano ng COMELEC ang pag-access ng mga residente sa pagpaparehistro sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga personnel sa ilang barangay.
Kabilang sa mga naturang paggaganapan ang mga barangay ng Bari, Pugo at Gueguesangen.
Kabilang sa mga serbisyong alok ay para sa mga bagong registration, transfer ng registration, reactivation, at pagwawasto ng mga detalye sa talaan ng botante.
Hinihikayat naman ng COMELEC Mangaldan ang lahat ng kwalipikadong botante sa bayan na samantalahin ang pagkakataon at makibahagi sa darating na halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










