VP Robredo, isinusulong din ang pagwawakas ng endo

40

Manila, Philippines – Isinulong din ni Vice President Leni Robredo ang pagwawakas ng ‘endo’ sa sektor ng paggawa.

Kabilang ito sa mensahe ni Robredo sa pagdiriwang araw ng Labor Day, kahapon.

Ayon kay Robredo, nakikiisa siya sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa buong mundo sa pagdiriwang ng “Araw ng Paggawa.”

Aniya, panahon ito para ating balikan at suriin ang mga repormang naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa kabilang ang layuning tapusin ang endo sa bansa.

Dagdag pa nito, ang pagtatag ng ekonomiya ng bansa ay bunga ng pagsisikap at pagtitiis ng mga manggagawa kaya higit sa pasasalamat, nararapat lamang na pag-ibayuhin ang pangangalaga sa kanilang karapatan at kapakanan.

DZXL558

Facebook Comments