Manila, Philippines – Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na walang kinalaman sa pagbaba ng kanyang trust rating ang pagla-launch nito ng isang oras na radio program sa RMN- DZXL 558khz.
Ayon kay Vp Leni – ang weekly program na “Biserbisyong Leni” kasama ang batikang anchor na si Ely Saludar ay matagal na nilang plinano kung saan isinabay lamang nila ang launching noong linggo dahil sa Mother’s Day celebration.
Giit ni Vp Leni – gusto lamang niyang maabot ang lahat ng mga sektor ng lipunan kaya inilunsad ang “Biserbisyong Leni” na naging matagumpay naman sa unang episode noong May 14.
Samantala – bukas naman ang pangalawang pangulo na tumanggap ng mga puna at batikos mula sa netizens.
Ang “Biserbisyong Leni” ay simulcasts na naririnig sa mga RMN stations tulad ng Naga, Cebu, Cagayan De Oro at Davao.
Mapanonood din nang live ang programa sa RMN News Nationwide: The Sound of the Nation na official Facebook page ng RMN DZXL-558.