VP Sara, Arroyo, nag-lunch ilang oras matapos na magbitiw ang bise presidente bilang chairperson ng Lakas-CMD

Nagsama sa isang lunch sina Vice President Sara Duterte-Carpio at dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ilang oras matapos na kumalas ang bise presidente sa Lakas-CMD na partido ni House Speaker Martin Romualdez.

Si Mr. Manny Pangilinan umano ang naghanda ng lunch bilang selebrasyon sa kaarawan nina VP Sara at Arroyo.

Nagbitiw ang bise presidente sa Lakas-CMD kahapon, ilang araw matapos na palitan si Arroyo bilang Senior Deputy Speaker.


Wala namang binanggit si VP Sara kung ito ang dahilan ng kanyang resignation.

Samantala, itinanggi ni Arroyo ang alegasyong plano niyang patalsikin si Romualdez upang maagaw ang posisyon bilang House Speaker.

Inamin ng mambabatas na hangarin niyang maging House Speaker noon nang manalo si Marcos pero agad niyang tinanggap ang katotohanang pinaka-komportable ang pangulo sa pinsan nitong si Romualdez.

Nagpulong naman kagabi ang Lakas-CMD Executive Committee kung saan ibinalik bilang chairman ng partido si Senator Bong Revilla.

Facebook Comments