Aklan, nagdeklara ng state of calamity dahil sa ASF outbreak

Isinailalim sa state of calamity ang Aklan dahil sa outbreak ng African Swine Fever.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng Office of the Provincial Veterinarian ng probinsya na pitong munisipalidad ang nakapagtala ng kaso ng ASF.

Kabilang dito ang Balete, Tangalan, Makato, Numancia, Kalibo, Batan at New Washington.


Ipinag-utos na ng local officials ng Aklan ang pagsasagawa ng culling operations upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Hinigpitan na rin ang paglalabas at pagpapasok ng mga baboy sa mga apektadong bayan.

Facebook Comments