
Plantsado na ang paghahanda ng Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit na inaasahang magbubukas ng mga solusyon sa mga krisis na kinakaharap ng bansa at rehiyon.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa mga pangunahing tatalakayin ng mga lider ang pagtaas ng presyo ng langis at pagkain, seguridad at nakaambang El Niño.
Umaasa ang pangulo na magkakaroon ng mga konkretong kasunduan ang mga bansang ASEAN upang matugunan ang mga problemang ito.
Humingi naman ng pang-unawa ang pangulo sa publiko sa posibleng abalang dulot ng summit sa mga susunod na araw.
Nagpasalamat din ang pangulo sa mga sektor at manggagawang naging bahagi ng paghahanda para sa summit.
Facebook Comments










