
Sinagot ng Palasyo ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi umano pinaghandaan ng administrasyon ang nangyayaring krisis sa Middle East.
Ito ay matapos sabihin ng pangalawang pangulo na 2022 pa lamang ay naririnig na nila ang posibleng pagsiklab ng tensiyon sa Gitnang Silangan kung saan milyun-milyong Pilipino ang naninirahan.
Kinuwestiyon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kung nabanggit ito noon ni VP Sara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos lalo’t magkasama sila noon bilang UniTeam.
Binanatan din ni Castro si Duterte at iginiit na dapat dati pa niya ito ipinaalam kay Pangulong Marcos Jr. at kung hindi niya ito sinabi ay maituturing itong breach of public trust.
Facebook Comments










