VP Sara Duterte, tinawag na “budget-driven racket” ang panibagong impeachment laban sa kanya

Tinawag ni Vice President Sara Duterte na “budget-driven racket” ang panibagong impeachment na niluluto laban sa kanya ng mga kongresista.

Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi ni VP Sara na ang impeachment laban sa kanya ay isang “bargaining chip” bago ipasa ang 2026 national budget.

Wala aniya itong pinagkaiba sa ibinunyag noong Pebrero 2024 nina Sen. Chiz Escudero, Rep. Toby Tiangco, at ng ilang kongresista, kung saan nangalap din ang Kamara ng mga lagda para sa impeachment laban sa kanya kapalit ng alokasyon ng pondo.

Ngunit sa kabila ng naturang rebelasyon, wala aniyang nangyaring imbestigasyon ukol sa bilyun-bilyong pisong ginastos sa political warfare na sana ay ginamit na lamang sa serbisyo para sa mga Pilipino.

Tiniyak din ni VP Sara na handa siyang sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Facebook Comments