Tuesday, January 20, 2026

VP Sara Duterte, tinawag na fund raising ang panibagong bantang impeachment laban sa kanya

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na pera ang nasa likod ng panibagong impeachment case na isasampa laban sa kanya sa Kamara.

Sa ambush interview sa The Hague, The Netherlands, sinabi ni VP Sara na tulad noong nakaraang impeachment laban sa kanya, naging fund raising aniya ito ng mga kongresista dahil may katapat na pera ang pagsuporta ng bawat mambabatas sa nasabing reklamo.

Samantala, umaasa naman si VP Sara na may mapapanagot na ang Senado sa muling pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee (BRC) sa mga anomalya sa flood control projects.

Tumanggi naman si VP Sara na magkomento sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Facebook Comments