WAGI | Boston Celtics at Cleveland Cavaliers, panalo sa kani-kanilang laban sa NBA

Sports – Tinambakan ng Boston Celtics ang New York Knick sa score na 103-73.

Kahit na wala sa laro ng Boston si Kyrie Irving dahil sa injury nito sa kanang hita, nag-step up naman sa laban ang teammate nitong si Terry Rozier na may 17-points, 11-rebounds at 10-assists.

Dahil sa panalo, nananatili pa din number one sa team standing sa Eastern Conference ang Boston na may 37-15 win/loss record.


Samantala, double-double performance naman ang ipinakita ni Lebron James na may 24-points at 11-rebounds para manguna sa panalo ng Cleveland Cavaliers kontra sa Miami Heat sa score na 91-89.

Ito naman ang unang laro ng Cavs na wala si Kevin Love na nabaliaan ng buto sa kaliwang kamay sa naging laban nila noong nakaraang araw sa Detroit Pistons.

Facebook Comments