KALABOSO | Isang SK chairman huli sa buy-bust sa Cebu

Balamban, Cebu – Timbog sa buy-bust operation ang isang chairman ng Sangguniang Kabataan (SK) at isang kasama nito sa bayan ng Balamban sa Cebu.

Ang naarestong SK chairman ay nakilalang si Reggie Ponce ng Barangay Bayong Balamban at ang kasama nito na si Renan Batuhan Sotto residente ng Barangay Luz sa Cebu City.

Nakuha mula sa kanila ang 12 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P141,000.


Ang buy-bust operation ay inilunsad ng kapulisan ng Balamban at ng provincial intelligence branch ng PNP.

Facebook Comments