WAGI | Transgender, nanalo sa Vermont primary ng U.S.

Malapit nang magkatotoo ang posibilidad na maihalal ang isang transgender bilang gobernador sa Estados Unidos.

Nakuha kasi ni Christine Hallquist ang Democratic Gubernatorial Nomination sa Vermont para maitala ang isa na naman kasaysayan para sa LGBT community sa Amerika.

Siya ang kauna-unahang transgender na nakakuha ng US primary ng isang major political party.


Tinalo ni Hallquist sina dating U.S. navy veteran James Ehlers at environmentalist Brenda Siegel para sa Democratic Party nomination.

Makakaharap nito sa halalan si Republican at incumbent Phil Scott.

Facebook Comments