‘Walang babayaran sa unang araw ng klase’ – DepEd

144

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng mga opisyal ng mga pampublikong paaralan na walang dapat singilin mula sa mga magulang sa unang araw ng klase sa Lunes (June 1).

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones – ito kasi ang nagiging dahilan kung bakit may mga estudyanteng hindi na pinapapasok sa paaralan.


Dagdag pa ng kalihim – mayroong listahan ang ahensya ng mga pinapayagang kontribusyon sa mga public schools.

Pero binigyand diin ni Briones na hindi dapat pilitin o voluntary lamang ang pagbabayad sa mga magulang sa mga kontribusyon.

Sagot din aniya dapat ng paaralan ang pagbibigay ng ID sa mga estudyante, gamit ang pondo nito para sa maintenance at iba pang operating expenses.

Sa tantya ng DepEd, hihigit pa sa 22.8 milyon ang mga etudyanteng inaasahang papasok sa nasa 46,700 na public elementary at high schools sa Lunes.
DZXL558




Facebook Comments