WEATHER UPDATE | Pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, asahan ngayong araw

May mga pag-ulan pa ring asahan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Gener Quitlong, nananatiling umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Binabatanyan ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa.


Magiging bagyo ito at inaasahang papasok ng Biyernes o Sabado.

Ang southern Luzon kasama ang Metro Manila, Mimaropa, Calabarzon at Bicol Region ay makakaroon pa rin ng panandaliang pag-ulan.

May kalat-kalat ding pag-ulan sa halos buong Kabisayaan at Mindanao.

Facebook Comments