Manila, Philippines – Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na walang karapatan ang Korte Suprema na utusan ang kongreso na magsagawa ng joint session kaugnay sa pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Alvarez – hindi susunod ang kamara sakaling paboran ang mga petisyon laban sa deklarasyon ng batas militar.
Wala aniyang hurisdiksyon ang Korte Suprema sa kongreso dahil co-equal branches ang mga ito.
Iginiit pa ng house speaker na bakit pa kailangan ang joint session gayung pareho parehas nang nagpasa ng resolusyon ang kamara at senado na sumusuporta sa deklarasyon ng martial law.
Posibleng humantong sa constitutional crisis ang sitwasyon sakaling magtuluy tuloy ang panghihimasok umano ng korte suprema sa mga hakbang na ginagawa ng kongreso.
Sinegundahan naman ito ni Solicitor General Jose Calida pero ang desisyon ng kataas-taasang hukuman ang mangingibabaw.
Sa ngayon, naghahanda na ang Office of the Solicitor General para sa oral arguments sa isyu ng martial law na itinakda sa susunod na linggo.
DZXL558