WALANG KONTROL | Mga economic manager, wala nang kontrol sa pagtaas ng inflation rate

Manila, Philippines – Naniniwala si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na wala nang kontrol ang mga economic manager sa epekto ng TRAIN.

Ayon kay Alejano, batay sa tantya ng mga economic managers bababa na ang inflation rate pagsapit ng Hunyo pero kabaligtaran ang nangyari dahil tumaas pa ang inflation rate sa 5.2% mula sa 4.6% noong Abril hanggang Mayo.

Aniya, noong inaaral pa ang TRAIN sa Kongreso, ang projection ng mga economic managers ay aabot ang inflation sa 4.3% lamang pero tumaas pa ito ng tumaas.


Hinala ng Kongresista, tuluyan nang naglaho ang economic judgement ng mga economic managers o sadyang itinatanggi lang naman ng mga ito ang tunay na epekto ng TRAIN sa publiko.

Giit ng mambabatas, hindi man direktang naiintindihan ng taumbayan ang inflation rate pero ramdam ng kanilang mga sikmura ang pagtaas ng presyo ng pagkain, bigas, kuryente, gasolina, pamasahe, at iba pang pangunahing bilihin.

Facebook Comments