Walong lugar sa bansa, posibleng malagay bukas sa “danger level” ng heat index dahil sa tindi ng init ng panahon

Posibleng malagay sa “danger level” ng heat index o damang init ang walong lugar sa bansa bukas, araw ng Sabado dahil sa tindi ng init ng panahon.

Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical And Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng pumalo sa 44 degrees celsius ang heat index sa Catarman, Northern Samar bukas na maituturing nang mapanganib.

Habang nasa 43℃ naman sa Tuguegarao City, Cagayan at Aborlan sa Palawan.


Papalo sa 42℃ ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan; San Jose, Occidental Mindoro; Puerto Princesa City, Palawan; Dumangas, Iloilo; at Cotabato City, Maguindanao

Ang dangerous heat index ay nasa pagitan ng 42 hanggang 51 degree celsius kung saan ang mga tao na lantad sa sikat ng araw sa mga lugar na ito ay posibleng makaranas ng matinding pagkapagod, heat cramps at heat stroke.

Facebook Comments